Anobaanobaanoba
Niyaya ako ng matagal ko nang kras sa opisina upang kumain ng prutas na nasa tasa kanina. Matagal na kaming nagbibiruan na sabay kaming pupunta sa prutasan pero kanina lang niya ko tinanong nang seryoso. Alam ko dahil tinanong ko siya, "Seryoso ka ba?" Sabi niya oo. Pumayag ako dahil wala akong sapat na dahilan kung bakit hindi. Baka sabihin nag-aakala ako. Alam ko dahil nangyari na sa akin yon dati. Rocs, kung nasaan ka man, naaalala mo ba, "sometimes it's just lunch!" At sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto, mula pa noong wala pa kong boypren. Bakit ganun? Matagal na kaming magkakilala, ngayon lang niya ko niyayang kumain. At kahit na mabait siya, at sa tabing-dagat siya nakatira, at masaya siyang kasama, at magiging maganda o guwapo ang anak namin, at, at, at, hindi na puwede. Ang boypren ko ang pinakamabait na tao sa balat ng lupa at di ko siya ipagpapalit. Pansamantalang kilig lang. Ang gulo ko. Sometimes it's just lunch!