Thursday, August 02, 2007

Anobaanobaanoba

Niyaya ako ng matagal ko nang kras sa opisina upang kumain ng prutas na nasa tasa kanina. Matagal na kaming nagbibiruan na sabay kaming pupunta sa prutasan pero kanina lang niya ko tinanong nang seryoso. Alam ko dahil tinanong ko siya, "Seryoso ka ba?" Sabi niya oo. Pumayag ako dahil wala akong sapat na dahilan kung bakit hindi. Baka sabihin nag-aakala ako. Alam ko dahil nangyari na sa akin yon dati. Rocs, kung nasaan ka man, naaalala mo ba, "sometimes it's just lunch!" At sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto, mula pa noong wala pa kong boypren. Bakit ganun? Matagal na kaming magkakilala, ngayon lang niya ko niyayang kumain. At kahit na mabait siya, at sa tabing-dagat siya nakatira, at masaya siyang kasama, at magiging maganda o guwapo ang anak namin, at, at, at, hindi na puwede. Ang boypren ko ang pinakamabait na tao sa balat ng lupa at di ko siya ipagpapalit. Pansamantalang kilig lang. Ang gulo ko. Sometimes it's just lunch!

7 Comments:

Blogger dreyers said...

nagtataka tuloy ako kung bakit sa tagalog mo naisulat itong kwentong nasa blahg mo. (pero, obkors, meron akong hinala...) at medyo natatawa rin pala ako sa "prutas na nasa tasa". hindi kaya ito literal na pagsasalin ng "pratasnanasatasa"? haha. biro lang, melai. hmmmm. kung kis-a ang panyaga, panyaga lang.

1:54 AM  
Blogger chocoliya said...

ilonggohon ko ya ang reply ko kay d ko carry magtagalog nga deretso...

fohtaay! lol nali ang kung kis-a nga panyaga madayunan ha. good luck na lg hehehe

actually, bilib man ko sa imu nga "Ang boypren ko ang pinakamabait na tao sa balat ng lupa at di ko siya ipagpapalit." ;p

te, namit man ang prutas nga ara sa tasa nga gnbakal nyo?

9:02 AM  
Blogger sarski said...

abaw...kaya pala nasa tagalog itong kwentong isinulat mo. pasensya na lang sya at naunahan na sya ng iba. "prutas na nasa tasa"? para pananghalian? maghihinala na ako nun..keri lang na mel. tama nga ang kasabihan na ang pananghalian, pananghalian lang. kaya mo yan, kapatid :)

10:44 AM  
Blogger M said...

Namit man ang prutas, pero wala ang suki ko, te nag-inom na lang kami sang giniling nga prutas kag yelo, para indi na kami mag-usang, hambal ko. ambot. basi ginasigahum ko lang nga may oyon siya sa akon. mayo gani para wala libog. (libog nga ilongga ha, kay daw lain na na ya sa tagalog). Kinanglan medyo dalum2 nga hiligaynon kay ka-intiendi ang iban da.

1:47 PM  
Blogger M said...

sarski! ka-funny sang blooper sa blog mo. eventhough i don't completely understand the process, ka-relate guid ko. if this were ang tv, there'd be a ngwek-ngwek-ngwek at the end of that story. over ang vox ah! di pwede ka-comment unless "member."

1:50 PM  
Blogger sarski said...

gani man. one thing the vox people overlooked (or intentionally forgot) about this whole blog business..network with other blog formats. europeans! i should get a blogger account na rin. that would make the number of blogs i supposedly have to..four? five? sheesh!

11:03 PM  
Blogger edzmaya said...

mels! hay...
ikaw ay matalinghaga... prutas sa tasa... "prutatas" :-)

ang panyaga panyaga lang... but don't you sometimes feel na tani indi lang siya panyaga lang??

pero saludo ko, inday.

"Ang boypren ko ang pinakamabait na tao sa balat ng lupa at di ko siya ipagpapalit." <== nice.

10:13 PM  

Post a Comment

<< Home