Tagalog
I miss speaking Tagalog. It's either English or Ilonggo for me nowadays. I have no one to speak Tagalog to, especially on weekdays. At work, I have a habit of saying "Hay naku!" all the time. People must think I'm nuts. So this whole post is going to be in Tagalog. Just for kicks.
Matagal akong hindi nakapagsulat dito kasi abala ako sa maraming bagay. Mga walang kuwentang bagay.
Nung holiday (araw na pangilin ayon sa diksyunaryo sa pangkalawakang sapot) pumunta kami sa Pennsylvania para gumala at magmukhang tanga. Kami po ay sumakay sa balsang gawa sa goma at nagpaanod sa puting tubig. Salbahe yung isa kong kasama at binasa niya lahat ng tao. Wala kaming baril na may tubig sa loob gaya nung ibang mga bata (Ha! Pakiramdam namin ay bata din kami.) pero meron kaming mga timba. Marami kaming kasamang mga estrangherong galing sa iba't ibang landas. Noong una ay ayaw nilang mabasa pero wala silang magawa. Kasi po naman, bakit ka sasakay sa balsang gawa sa goma at magpapaanod sa puting tubig kung wala kang balak mabasa? Meron dun isang nanay na intsik na mukhang maselan at maarte. Sabi niya, "Wag po! wag po!" Kaya sabi namin dun sa isang batang may baril na tubig ang bala, hindi naman makatarungan kung hindi lahat ng tao mabasa. Nung bandang huli, isang balsa na lang yung tuyo kasi masusungit ang mga taong nakasakay dun. Ninakaw ng tatay na intsik yung isa naming timba. Ninakaw niya rin yung baril nung isang bata. Tapos tawa siya nang tawa. Tatlong oras kaming nagpaanod at pagkatapos ay pagod at masaya lahat nang tao maliban dun sa mga masusungit.
Tumigil pala kami sandali para sa pananghalian. Wala kaming dalang pagkain ng mga kaibigan ko kasi akala namin may libreng pananghalian. Kaya maliliit na tilad ng patatas at isang boteng inumin lang ang dali namin. Tig-iisang higop lang kami sa inumin. Ako yung huling humigop sa bote kasi may ubo ako noon. Dahil doon mas lalong naging malapit kami sa isa't isa.
Kanina, masyadong maraming gawain sa opisina. Wala akong ginawa kundi tumakbo. Hindi literal ha. Wala kasi yung isa kong kasama, kaya ako gumawa ng trabaho niya. Wala rin yung isang inaasahan ko palagi, kaya masyado akong abala. Hindi na rin ako nakapagpananghalian. Hindi ko na sasabihin kung ano yung kinain ko kasi mahirap siyang isalin.
Alas siyete na ako nakaalis sa trabaho. Dumaan muna ako sa Daffy's. Sinoli ko yung binili kong damit nung isang araw. Maganda siya at kakaiba pero mas mahal pa siya kesa sa binigay ko sa mga biktima ni Katrina kaya nanghinayang ako.
Pagdating ko sa bahay, sobrang gutom ako. Gusto ko sanang kumain ng karne ng baka at uminom ng serbesa (kasi masarap siya kasama ng baka) sa restauran ng mga taga-Vietnam pero parang hindi ko na kayang maglakad ng siyam na kalye sa sobrang gutom. Kaya dito na lang ako sa bahay. Wala naman akong pagkain dito maliban sa maliliit na tilad ng patatas at yung kalamay ng mga Italyano na gawa sa krema at binalot ng tsokolate. Masarap siya pero gusto ko pa rin ng baka.
Kailangan ko nang matulog kasi gigising ako nang maaga bukas. Hindi ako puwedeng pumasok nang huli sa trabaho kasi masisisante na ako. Kutob ko may problema ako sa pangangasiwa ng oras. O siya. Nakakapagod pala magsalita ng tuwid na Tagalog.
P.S. Gusto ko lang ikuwento; kagabi, pinanood ko yung panayam ni Spike Jonze kay Fatlip. Kasama siya sa DVD ng mga gawa ni Spike Jonze. Si Fatlip ay dating miyembro ng Pharcyde, yung may astig na bidyo ng Drop. Sobrang naaliw ako sa kanya! At nagustuhan ko yung kanta niyang What's Up, Fatlip? At sinaliksik ko pa yung salita ng kanta sa pangkalawakang sapot para masabayan ko yung bidyo. Gusto ko siyang ikarga sa pantugtog ng musika na nadadala kung saan-saan!